Saturday, February 26, 2011

paglimot

Naririnig ko pa din ang tawa mo.
Daig pa ang lakas ng bulyawan ng mga sasakyan.
Nilalamon ng mga alaala ang bawat katotohanan.
Mga katotohanang nagkukubli sa masasayang alaala.

Masaya ako..
Masaya tayo.
Sandali, meron bang tayo?
Parang ako lang yata.

Nakakabingi ang pag-uusap natin sa mga mata.
Parang bangungot ang nakaraan.
Sa tuwing naaalala ko, nakakabaliw.
Nakakabaliw tanggapin ang katotohan.

Maging masaya dapat ako.
Maging masaya ka dapat sakin.
Pero, bakit ganito ang kinahantungan ng lahat?
Masamang umasa, lalong masama ang maghangad ng kapalit.

Sumisigaw ako pero wala akong marinig.
Nakakasawa din pala maging mabait.
Gusto ko nang lumayo, wag kang lumapit.
Maaari ba?

Naaamoy pa kita sa damit ko
Pero lahat kumukupas
Pati ang amoy mo sa damit ko, mawawala din.
Unti- unting maglalaho, mawawala kasabay ng paglimot.


wala na....sana.





No comments:

Post a Comment