Itinutulak ka ng mga pangarap mo,
Habang hinihila naman ako ng mga ito
Gusto kong lumipad…lumaya.
Suablit saan, saan pupunta?
Malayo ka na at kasabay ng paglayo mo,
Ang paglimot at paghilom ng mga sugat
Masakit, sinong bang hindi masasaktan?
Marahil nga, mali ito mula sa simula pa.
Naiwan ako, wala na din akong magagawa.
Ayokong makalimot pero kailangan
Ayokong umiwas pero nararapat
Mas makabubuti din ito para sa ating dalawa.
Huwag ka sanang bumalik
Dala ang mga salitang binitiwan mo minsan
Kinalimutan ko na din iyon, naligaw na sa isipan ko
Sana maligaw ka na rin sa utak ko, walang katapusang pagkaligaw.
![]() |
| lumipad. maligaw. mawala. |

No comments:
Post a Comment