Saturday, February 26, 2011

pagkukubli

Magulo. Kumplikado. Masaya.
Di ko alam kung may patutunguhan ba.
Saan nga ba ito papunta?
Saan nga ba dapat ito mapunta?

Malabo. Kulang. Masaya.
Alam mo ba kung anong gusto mo?
Nakakahilo ang ganito.
Itigil na natin ito, pwede ba?

Mahirap.
Nababalot tayo ng mga pagkukunwari.
Natatabunan ng kasinungalingan ang katotohanan.
Ano ba talaga tayo?

Nakakasakal.
Sino ka?
Sino ako?
Sino tayo sa isa’t isa?

Mali.
Hindi mo ako hawak.
Hindi ka din naman naging akin.
Hindi ko na din naman gustong mapa-sayo pa.

Mahalaga ka.
Pero wala na itong halaga
Mahal kita.
Noon.
Dati yun.

malamig. magulo. parang tayo.

No comments:

Post a Comment