Saturday, July 6, 2019

Mga Tulang Walang Pamagat at Hindi ko Sinulat 1.0

Ang liwanag na tagos sa salamin,
Di mapigil lubos aminin.
Hinihintay ang muling pagsilip,
Nang pagkakataong ika'y mahagip.

Binibilang mga hakbang mula sayo,
Nagtatanong saan itutungo.
Kumpas ng ngiti tanging kailangan,
Wala mang sagot na umabot sa katanungan.

Mga kamay ay patuloy nanlalamig,
Pilit inaabot pagkat iyo ang ibig.
Mga talang nangingibabaw sa langit,
Kapantay ay damdaming nagngingitngit.

Mga salita sa bibig ay di mawari,
Di mahalaga hangga't ika'y mananatili.
Sa bawat dampi ng hangin sa pisngi,
Eto ako magaabang lagi't nakangiti.

Halakhak mo'y tuluyang lumamon sa paligid,
Tanging ikaw at ako ang nasa silid.
Tagos ang bawat minuto ng sandali,
Ayaw paawat, ayaw nang umuwi.

Kailanma'y di na yata magiging handa,
Sa sunod mong bisita ako'y suko na.
Ikaw, ako, at ang pagsapit ng dilim,
Di matatapos, patuloy na lalalim.

-March 12 1:15am

(DRA)

No comments:

Post a Comment