Alas singko, bumangon ang isip,
Kunyari ay puno ng ligalig.
Alas sais nang umalis,
Iisa ang alam na nais.
Alas siyete sumabay sa kampana,
Paghihintay di na alintana.
Alas otso nagsimulang dumungaw,
Pinipigilan ang sarili na humiyaw.
Alas nuebe na ngunit walang masabi,
Tanging alok isang tasang kape.
Mga unang bigkas sapit nang alas diyes,
Tanging hiling ay walang umalis.
Alas onse nang tuluyang sumuway,
Tila mga alon ng dagat na walang humpay.
Ayaw paawat kahit alas dose,
Ikaw lang, kahit walang umuwi.
Ala una nang tamaan,
Sitwasyon na kay hirap takasan.
Ngunit ayaw patinag kahit alas dos,
Walang ibang iniisip pano ilulubos.
Sa alas tres pinupuno ng ngiti,
Ang alaalang baon pauwi.
Alas kwatro nang iwaksi ang oras,
Nagkukunwaring di na ito lilipas.
Heto't pumatak ang alas singko,
Tanong sa sarili kung lilisan nako.
Ayaw bumitaw na tila walang bukas,
Patuloy mong hagkan nang di makaalpas.
Alas singko nang bumagsak ang araw,
Hihiling na sana bukas, sana lagi, ikaw.
-March 18, 6pm
(DRA)
No comments:
Post a Comment