Madalas nais na lamang kalimutan,
Pagtatagpong pinagmulan.
Sabi sa sarili'y di na lilingon,
Ngunit heto ang puso'y hinahamon.
Bakit patuloy na lumalapit?
At isip sinusubukan ipihit?
Bakit pinipigilan matapos ang araw?
At sinusulit ang bawat tanaw?
Bakit ang gabi'y mabagal lumipas?
At mga tala'y nais kunin sa taas?
Bakit ang diwa'y laging wala?
At nahahanap na nasa iyong tabi pala?
Bakit tuloy ang dungaw sa kawalan?
At nagbabaka sakaling masulyapan?
Bakit tulala't naglalayag sa hangin?
At sa gunita ikaw ay akin?
Bakit walang humpay ang tanong?
Ngunit di malaman kailan susulong?
Tunay nga bang pahihirapan?
Nang damdamin na gustong suklian?
- March 18 12:11pm
(DRA)
No comments:
Post a Comment